Pages

Wednesday, December 14, 2011

Saligan + Batas = EQUALITY??

"NO ONE IS ABOVE THE LAW"

Yan ba ang nakikita natin sa kasalukuyan? Marami sigurong napapailing kung ang tingin nila ay mali ang mga salitang yan.

Dito sa Pilipinas, ang Saligang Batas ang namamahala sa lahat ng karapatang pantao ng mga Pilipino. Halos lahat ng nakatala doon ay para sa mamamayan ng ating bansa. Kung lumabag ka naman sa ating batas, nakapaloob rin doon kung ano ang iyong magiging kaparusahan.

Ang isang "Ordinaryong Pilipino" kapag gumawa ng kamalian sa bansa.. halimbawa.. ang magnakaw..10,000 pesos.. ang gagawin ng otoridad.. huhulihin sya at ikukulong.. Saan ikukulong?? sa Police Station malamang... kasama ang ibang mga bilanggo na gumawa rin ng kamalian sa batas. Ano ang hitsura ng kulungan?? May rehas, isa ang enedoro, doubledeck o sa simento lang ang higaan, kadalasan dahil sa kakulangan ng espasyo.. nakaupo lang sila matulog. Paano mo malalaman kung sila ay bilanggo? Syempre.. nakauniform sila... kulay orange ang damit at may nakasulat na "detainee". Ang pagkain.. kung ano lang ang rasyon.. yun na un..  Ganyan ikulong ang isang "Ordinaryong Pilipino".

Ang isang "Mataas na Pilipino" kapag gumawa ng kamalian sa bansa.. halimbawa.. ang magnakaw rin.. pero 1,000,000,000 pesos.. Ano ang gagawin ng otoridad? Syempre.. tulad ng isang ordinaryong Pilipino.. huhulihin at ikukulong... Saan ikukulong?? syempre.. magrerequest sila kung pwede house arrest na lang o kaya naman hospital arrest.. Si Gobyerno naman.. "Sige..kase nagsilbi sila sa bansa natin.. payagan na natin". Ang kulungan: May living room.. TV,  Aircon.. May Kwarto... may kama... bago ang punda at pati mga unan.. Ang CR? maganda rin.. bagong linis.. Ang paligid?? bagong pintura... parang umupa lang ng isang house for rent na complete ang furniture set.. libre tubig at libre kuryente. Teka... sino nga pala nagbabayad ng tubig at kuryente pati narin yung board and lodging???? Syempre ang "ORDINARYONG PILIPINO" sa pamamagitan ng mga Tax na binabayaran natin.. (basta bumili ka sa tindahan.. may tax un!). Ang pagkain?? kahit anong gustuhin nila..

Pero bakit ganon? mas malaki ata ang nakulimbat ng Mataas na Pilipino sa Ordinaryong Pilipino?? then, sa magandang kulungan pa nakakulong si Mataas na Pilipino??

Sabihin na nating "oo" naglingkod sila sa bayan.. sila ang sumalamin sa bansa.. sila ang nagdala sa direkyon ng bansa... Subalit.. kung walang Ordinaryong Pilipino, sila ba ang magiging pinuno ng bayan?? Hindi ba't kahit ano pa ang naging katayuan mo sa bansa.. Kung ikaw ay nagnakaw.. ang tawag sayo ay magnanakaw pa rin?? Sige.. sabihin narin natin na Mayaman sila sa pera.. pero sabi naman sa simula ng blog na to.. "NO ONE IS ABOVE THE LAW" pero bakit parang ang lumalabas e.. "NO ONE IS ABOVE THE LAW EXCEPT MONEY"????? pwede??? pwede!!!

Hay naku! ang Pilipinas nga naman..

Isa lang naman ang gustong sabihin ng blog post kong ito... EQUALITY sa lahat ng Pilipino pag dating sa Karapatan at Batas..  Maraming Pilipino ang walang alam sa batas kaya nauutakan  ng mga may alam dito.. pero... Ang pagiging walang alam sa batas ay hindi batayan upang apakan ang karapatang pantao ng bawat isang Pilipino dito sa Pilipinas.. Kung mahirap man ang may sala.. gawin sanang patas ang paglilitis at maging makatao.. At kung ang mga mayayaman naman ang may sala... huwag sanang kalimutan ng mga husgado na ang batayan ng desisyon ay ang Saligang Batas ng Pilipinas.. hindi ang Saligang Yaman ng Mayayaman..

Karapatan ko naman 'to db? Salamat sa pagbasa!

0 comments:

Post a Comment

Heeya!

Please leave a comment.. Thanks for reading! Have a nice day!
Consider other readers..

Thanks,

Kebin
Pilipinong Blogger