Pages

Tuesday, December 27, 2011

2011 - Full of Blessings!

Want to share my 2011 experiences and blessings...

I started this year.." 2011"  with a new hope and a good luck.. I had my very official 1st job at Enchanted Kingdom til  June 2011.. It's a best start of the year for me.  haha! I learned many things from there. Kumbaga, 1st job are full of experiences.. Marami akong nakilala at naging kaibigan. Thank you for that...

When I ended my contract @ EK.. xempre.. hanap tayo ng trabaho.. pero buti na lang there's another blessing na dumating sakin.. My very 1st I.T Job.. Sa wakas nakapasok rin sa field ng mga I.T..! FYI nga pala.. Hindi related sa course ko ang 1st job ko.. I grabbed it to gain experiences... At matatapos ko ang 2011 ng may work ulit...

Kahit na may trabaho ako ngayon.. I very thankful pa rin kase.. ang daming dumating na raket sakin..For me, its a blessing talaga... I had my 6 major rakets... hahahah! then.. 2 minors.. tapos.. xempre.. What I called "Thank you raket"..  2 Thank you raket... means.. walang bayad.. as in.. free.. yap.. free of charge.. walang hinihinging kapalit at walang perang katumbas.. Its only for "Thanks and giving".. madalas.. sa simbahan yun kung saan ako lumaki ng almost a decade na.. When they ask me a favor..  I surely... definitely say "YES!".. hahaha! yun kase ung way para makabayad ako sa talent na binigay sa 'kin ni God. Share what I had.. ;)

PMS Socrates Section
Convergys Nuvali
Anyweiz... This year end post.. will be my way to THANKS everyone that I met this past YEAR 2011..

Thank you for the trust you gave to me.. lalo na yung mga tinuruan ko.. buti naman at nagtiwala kayo sakin.. hahahaha! akalain mo un..
St.James Hostpital, ER/Lab/HR

Thank you rin for the company you shared to me.. Yeah.. salamat sa mga biruan at lokohan natin para hindi kami ma - OP.. hahah!

Thank you also for the concerns and patience.. hahaha! weeee....

Higit sa lahat maraming maraming salamat kay God.. Sana next year more blessings pa.. Thank you Lord..

PMS 3rd Year
This post includes some of the pictures that I had accompanied with this past year..  I completed this year with you Guys.! hope to see you soon.. again... ;)


Tuesday, December 20, 2011

PLEASE HELP CDO and ILIGAN (Read this on how)

Hi sa lahat!


Para saan pa 'tong blog ko kung hindi ko rin naman magagamit sa mabuti.. This is just a public service and information sa lahat ng gustong tumulong sa mga nasalanta ni BAGYONG SENDONG sa CDO at ILIGAN. Below are the organizations and private sectors where your donations can be deposited:


Kapuso Foundation
Metrobank Peso Account
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:3-098-51034-7
Metrobank Dollar Account
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:2-098-00244-2
Code:MBTC PH MM
UCPB Peso Account
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:115-184777-2 or 160-111277-7

UCPB Dollar Account
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:01-115-301177-9 or 01-160-300427-6
Code:UCPB PH MM
CEBUANA LHUILLIER (all branches nationwide)
BDO Peso Account
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:469-0022189

BDO Dollar Account
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:469-0072135
Code: BNORPHMM
PNB Peso Account
Account Name :GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Numbe:121-003200017

PNB Dollar Account
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:121-003200025
Code:PNB MPH MM

Sagip Kapamilya Foundation
BDO Peso Account
Account name: ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya
Account Number: 39301-14199
Swift Code: BNORPHMM
BDO Dollar Account
Account name: ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya
Account Number: 39300-81622
Swift Code: BNORPHMM
PNB Peso Account
Account name: ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya
Account Number: 419-539-5000-13
Swift Code: PNBMPHMM
BPI Peso Account
Account name: ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya
Account Number: 3051-1127-75
Branch: West Triangle, Quezon City
Swift Code: BOPIPHMM
BPI Dollar Account
Account name: ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya
Account Number: 3054-0270-35
Branch: West Triangle, Quezon City
Swift Code: BOPIPHMM

Philippine Red Cross

World Vision 

Iligan Bloggers Society
Official website: http://iliganbloggers.com
Official Facebook Page: http://facebook.com/iliganbloggers
E-mail them at iliganbloggers@gmail.com

SMS and GCash:
You may also send your donations by texting the following:
Send RED<space>AMOUNT to 2899 (Globe) or 4143 (Smart)
Through GCASH, text DONATE<space>AMOUNT<space>4-digit M-Pin<space>REDCROSS to 2882.
You can donate the following denominations:
Globe: 5, 25, 100, 300, 500 or 1000
Smart: 10, 25, 50, 100, 300, 500 or 1000

7-Eleven:
jgngo posted on December 19, 2011 01:56PM
Hi, all 7-Eleven stores now accept cash donations 24/7. The beneficiary is Philippine Red Cross. Just go to any store and tell the cashier you are making a donation. A receipt will be issued to acknowledge the donation. No service fee is applied and the entire amount goes to Philippine Red Cross.

Xavier University:
ericbangug posted on December 19, 2011 03:40PM
Just want to share. You can also send donations on Xavier University (Ateneo de Cagayan de Oro) Relief Action Center. For more info you can visit: http://tabangsendong.xu.edu.ph/sendong/.

LBC:
alobigas posted on December 19, 2011 04:10PM
You can also send your donations to any LBC Branch Nationwide.



(Thank you to sulit.com.ph ADMIN : jeanmagboo for this information. Thank you! Thank you!)

Or I'll advise too, kung meron naman sa barangay or church ninyo who have their own helping activities para sa mga nasalanta ni Sendong, you may also participate on that. Ang mahalaga, sa oras ng pangangailangan ng iba nating kababayan, handa tayong tumulong sa kanila. Hope this post can help. Please spread.

Salamat!

Wednesday, December 14, 2011

Saligan + Batas = EQUALITY??

"NO ONE IS ABOVE THE LAW"

Yan ba ang nakikita natin sa kasalukuyan? Marami sigurong napapailing kung ang tingin nila ay mali ang mga salitang yan.

Dito sa Pilipinas, ang Saligang Batas ang namamahala sa lahat ng karapatang pantao ng mga Pilipino. Halos lahat ng nakatala doon ay para sa mamamayan ng ating bansa. Kung lumabag ka naman sa ating batas, nakapaloob rin doon kung ano ang iyong magiging kaparusahan.

Ang isang "Ordinaryong Pilipino" kapag gumawa ng kamalian sa bansa.. halimbawa.. ang magnakaw..10,000 pesos.. ang gagawin ng otoridad.. huhulihin sya at ikukulong.. Saan ikukulong?? sa Police Station malamang... kasama ang ibang mga bilanggo na gumawa rin ng kamalian sa batas. Ano ang hitsura ng kulungan?? May rehas, isa ang enedoro, doubledeck o sa simento lang ang higaan, kadalasan dahil sa kakulangan ng espasyo.. nakaupo lang sila matulog. Paano mo malalaman kung sila ay bilanggo? Syempre.. nakauniform sila... kulay orange ang damit at may nakasulat na "detainee". Ang pagkain.. kung ano lang ang rasyon.. yun na un..  Ganyan ikulong ang isang "Ordinaryong Pilipino".

Ang isang "Mataas na Pilipino" kapag gumawa ng kamalian sa bansa.. halimbawa.. ang magnakaw rin.. pero 1,000,000,000 pesos.. Ano ang gagawin ng otoridad? Syempre.. tulad ng isang ordinaryong Pilipino.. huhulihin at ikukulong... Saan ikukulong?? syempre.. magrerequest sila kung pwede house arrest na lang o kaya naman hospital arrest.. Si Gobyerno naman.. "Sige..kase nagsilbi sila sa bansa natin.. payagan na natin". Ang kulungan: May living room.. TV,  Aircon.. May Kwarto... may kama... bago ang punda at pati mga unan.. Ang CR? maganda rin.. bagong linis.. Ang paligid?? bagong pintura... parang umupa lang ng isang house for rent na complete ang furniture set.. libre tubig at libre kuryente. Teka... sino nga pala nagbabayad ng tubig at kuryente pati narin yung board and lodging???? Syempre ang "ORDINARYONG PILIPINO" sa pamamagitan ng mga Tax na binabayaran natin.. (basta bumili ka sa tindahan.. may tax un!). Ang pagkain?? kahit anong gustuhin nila..

Pero bakit ganon? mas malaki ata ang nakulimbat ng Mataas na Pilipino sa Ordinaryong Pilipino?? then, sa magandang kulungan pa nakakulong si Mataas na Pilipino??

Sabihin na nating "oo" naglingkod sila sa bayan.. sila ang sumalamin sa bansa.. sila ang nagdala sa direkyon ng bansa... Subalit.. kung walang Ordinaryong Pilipino, sila ba ang magiging pinuno ng bayan?? Hindi ba't kahit ano pa ang naging katayuan mo sa bansa.. Kung ikaw ay nagnakaw.. ang tawag sayo ay magnanakaw pa rin?? Sige.. sabihin narin natin na Mayaman sila sa pera.. pero sabi naman sa simula ng blog na to.. "NO ONE IS ABOVE THE LAW" pero bakit parang ang lumalabas e.. "NO ONE IS ABOVE THE LAW EXCEPT MONEY"????? pwede??? pwede!!!

Hay naku! ang Pilipinas nga naman..

Isa lang naman ang gustong sabihin ng blog post kong ito... EQUALITY sa lahat ng Pilipino pag dating sa Karapatan at Batas..  Maraming Pilipino ang walang alam sa batas kaya nauutakan  ng mga may alam dito.. pero... Ang pagiging walang alam sa batas ay hindi batayan upang apakan ang karapatang pantao ng bawat isang Pilipino dito sa Pilipinas.. Kung mahirap man ang may sala.. gawin sanang patas ang paglilitis at maging makatao.. At kung ang mga mayayaman naman ang may sala... huwag sanang kalimutan ng mga husgado na ang batayan ng desisyon ay ang Saligang Batas ng Pilipinas.. hindi ang Saligang Yaman ng Mayayaman..

Karapatan ko naman 'to db? Salamat sa pagbasa!