Pages

Wednesday, January 11, 2012

MAJOR! MAJOR!

Hi! I'm back! This is my first issue for the Year 2012.. Happy New Year nga rin pala! But other Filipinos did not celebrated their New year as happy as some of us. Well.. This post is related to them, Hope you'll continue reading..

MAJOR! MAJOR!

Yup! Major! Major! Disaster ang nangyari sa ating bansa before and after 2012..

First! The cyclone Sendong  or its international name: Washi. Devastated our country, especially CDO and Iligan, more than 1000 people died.. Adults, Children, Babies.. No matter what who you are or what is the age, but sad reality.. Many of them, lost their lives. Marami sa 'tin ang nahabag sa nangyari sa kanila.. Sa mga kapatid natin sa ibabang bahagi ng Pilipinas. Halos naubos ang kanilang pagkatao at pag-asa dahil sa delubyong dumaan sa kanila. Hindi siguro sumagi sa isip nila kahit minsan na mangyayari ang ganoong trahedya sa buhay nila. Sa kabila naman ng nangyari, lumabas ang tunay na ugali nating mga Pilipino.. Ang tumulong sa nangagailangan nating mga kababayan.. Marami ang tumulong na halos milyon milyong piso ang naipundar para sa mga nasalanta ng bagyo. 


Second! After the New Year. The landslide in Compostella Valley.. Another tragic! rather a massive tragic again. Losing more than 25 people... Hindi na iba sa Pilipinas ang mga landslide... pero this one... is definitely and surely MAN MADE! Like the tragedy that I mentioned above..
These 2 disaster came on our country as the authority says.. "Not really destructive".. So? why is it so MASSIVE?? There is only one answer for that: Man is greed. Yup! Dahil sa kabakawan ng tao sa pera.. Hindi na nila naiisip ang kinabukasan.. Hindi na nila naiisip ang pwedeng mangyari... Sobrang pagtotroso,.. Sobrang pagmimina.. Ngayon.. Ayan.. ibang tao ang nagbabayad ng kanilang kasakiman!
Hindi naman siguro dahilan na sabihin na hindi nila kayang bantayan ang mga nagttroso or nagmimina.. Dahil daw nakakatulong at nagkakaroon ng trabaho ang kanilang mga kanayon.. kesho ganon.. kesho ganyan.. Kaya bakit daw nila pipigilan ang bumubuhay sa mga kababayan nila..?... As public leader.. IKAW ang dapat gumawa ng paraan kung paano mo matutulungan ang mga kababayan mo! Sabi nga sa kasabihan: "Kung may gusto, may paraan! Kuang ayaw, may dahilan!" (Ano kaya ang dahilan???) Hindi rin daw nila kayang bantayan ang mga nagtotroso o nagmimina??? If we will review our SIBIKA AT KULTURA or other Filipino or history books... Maraming beses na nasulat na ang maliit na unit ng gobyerno ay Barangay.. tapos.. Munisipalidad.. tapos.. Provincial Government and so on.. so on.. so on.. (Permits came from them) Then yung mga illegal?? why they don't make some checkpoints??? siguro.. meron... pero natatapalan nalang ng pera ang bulsa at bibig nila.. Kung ang ilang "nakaupo" ay magiging matatag lang sana sa pagsasagawa ng batas at hindi gagamitin ang batas para lamang sa mga pansariling kapakanan.. siguro,, walang mangyayaring ganito.. Wag sana kayong magalit.. Ang pikon.. talo.. at kung sasabihin niu sakin na "edi ikaw ang maging Kapitan o Mayor o Gobernor o Congressman nang malaman mo kung gaano kahirap" eto lang masasagot ko.. "Kaya nga hindi ako napasok sa pulitika.. dahil ako ang nagpapasweldo ng Kapitan, Mayor, Gobernor at Kongressman sa pamamagitan ng buwis ko" O di ba? ang sarap! 


Nagiging concern lang ako dahil walang mababago kung magbubulag bulagan tayo.. mas marami pang mga Pilipino ang magsasakripisyo ng buhay nila dahil  sa Kasuklaman sa pera ng "ibang" tao... Hihintayin pa ba natin ulit mangyari ito?? Maawa naman tayo sa ating kalikasan at mga kababayan.. Konting hinay sa paglaspag ng ating kagubatan.. kalupaan at katubigan.. Dahil baka dumating ang araw.. Isa tayo sa papasan ng kahirapang mawalan ng pag asa sa buhay dahil dito.

----end