Pages

Wednesday, November 23, 2011

Maguindanao: Sa ika-2 Taon. . .

November 23, 2009..

"MAGUINDANAO" : Bukang bibig ng bawat Pilipino noong umagang yon. Sa telebisyon.. sa Radyo... at kinabukasan Front Page ng lahat ng Dyaryo..

Sino bang Pilipino ang makalilimot sa hindi makatarungan at hindi maka-tao na pagpatay sa kasaysayan ng bansa??

Sino bang makapag-aalis ng hinanakit at galit ng bawat pamilya na nawalan ng minamahal ng dahil sa pagkuha ng buhay na tanging Diyos lamang ang may karapatan?? 



Sino ba ang makakapagtanggal sa isipan ng bawat isa sa bangungot na dala ng MAGUINDANAO MASSACRE??



November 23, 2011...

Matapos ang 2 taon mula ng maganap ang karumal dumal na pagpatay sa higit limampung tao na mula sa Media, ibang tao, at ibang kamaganak ng mga Mangdadatu. Ano na ba ang nangyari sa pag-usad ng kaso?? Mayroon na bang nakikitang pag-asa?  o sobrang layo pa ng katarungan na ating hinahangad kahit na hawak na ng mga awtoridad ang mga may sala??

Halos 100 na ang mga naaresto kasama na ang sinasabing utak ng pagpatay ngunit sobrang bagal ng hustisya para sa bawat Pilipino, lalo na siguro sa mga kaanak ng mga napatay na ang 2 taon ay parang 1 dekada na.

Ang Maguindanao Massacre ay simbolo ng bulok na sistema ng ating pamahalaan- paghahari-harian ng ibang pulitiko sa kanilang nasasakupan. Simbolo ng bulag na katarungan - pagbubulag bulagan ng ibang tao  sa tunay na nangyayari sa pamahalaan at bansa... at simbolo rin ng nakagapos ng malayang pananalita - pananakot at pagnanakaw sa ating demokrasya.

Isang kabayanihang maituturing ang mamatay sa gitna ng iyong tungkulin. Tungkulin sa pamamahayag para sa mga Media.. Tungkuling baguhin ang Maguindanao para sa mga Mangdadatu.. NGUNIT, huwag nating isipin na ito'y isang sakripisyo para lamang mamulat ang mga nasa pamahalaan sa tunay na nagyayari at nagaganap sa ating bansa. Huwag na nating hayaan na maulit muli ang ganitong kasuklam suklam na pagpatay.

2 taon na ang nakalilipas.. Muling nabubuhay sa pag-asa ang Maguindanao.. Isipin natin na ang Maguindanao ay isang bayan ng kabayanihan at hindi karahasan.. Isang bayan na nagbukas sa isip ng tunay na kasamaan ng ibang tao na nang dahil sa ganid sa kapangyarihan at pera.

Ang BLOG na ito ay isang paggunita sa isa-2 taong anibersaryo ng MAGUINDANAO MASSACRE. Nawa makamit ang hustisya at katotohanan.




Ref. google.com/image

Thursday, November 17, 2011

Masama ang Sobrang. . . .

DEMOKRASYA. . . . . . . . .

Bago ang lahat.. Ano ba ang Demokrasya? Syempre, ang madalas na sinasabi ng isip natin.. "malayang pamamahayag" o "malayang paglalabas ng damdamin ng mga tao sa isang Demokratikong bansa". Kung tutuusin tama! Dahil ang salitang ito ay nangangahulugan nang "Pamamalakad ng TAO sa isang makatwiran, malaya, patas at pantay pantay na paghahayag." Tulad dito sa Pilipinas, bawat Pilipino ay may karapatan. Maganda ang pakahulugan ng "Demokrasya" ngunit, paano kung nasobrahan ang tao o ang ilang Pilipino sa paggamit ng kanilang kalayaan sa pagsasalita, paghahayag at paglalabas ng damdamin?

Magsimula tayo sa mga matataas na Pilipino dito sa ating bansa.. Sa lahat ng nakaupo sa Gobyerno. 

Sila, kapag nagsalita ng pabugso bugso, walang pakundangan, o kahit sarili nilang opinyon, sigurado.. ang ilan sa mga Pilipino o ang karamihan sa atin, lalong masisira ang tingin sa ating gobyerno. Ang pulitiko kase, kadalasan ang kalaban sa pulitika ang tinitira.. syempre.. ito namang si kalaban.. magsasalita rin tungkol sa kanya.. hanggang sumobra na ang pagiging demokratikong tao nila at naglalabasan na ng mga baho nila. Tulad ng pagkuha ng mga escort girls, pagbili ng mga lupa, pag-aari ng mga mansion, pagnanakaw sa kaban ng bayan at kung anu-ano pa..

Punta tayo sa mga nakikita natin sa mga TV.. "Artista"

Sila naman, kapag nagsalita ng kanilang pansariling damdamin, una sa sasabihin ng mga Pilipino.. "Pasikat lang yan palaos na kase" o "Sabi lang ng manager nila yan para exposure".. Tama di ba? pero, kahit artista sila, meron pa rin silang karapatan na ipahayag ang sarili nila.. kase nga.. nasa Demokratikong bansa tayo.. Pero kapag ang artista.. nasobrahan naman sa pagsasalita o paglalabas ng kanilang damdamin.. kadalasan naman,,.. nauuwi na 'to sa "CHIZMISSSSSSS". Sasabihin nila nabuntis raw, nagpalaglag, nagpaturok, naglock ang mga organs dahil sa sobrang kaanuhan, may jowang bading o shiboli, may malaking utang, naghihirap na at iba iba pang mga salita- na nakasisira naman sa katauhan ng iba. Tama?? haha!

Next.. Syempre.. Ang ordinaryong Pilipino..

Ang isang Pilipino.. sinasabi nga maparaan yan.. madiskarte.. Kung kaya ang isang Pilipino na madalas may hinaing sa gobyerno at hindi naman napakikinggan, ay nagiging hurumentado sa pagpapahayag ng kanilang saloobin. (Ika nga.. kung noon gusto mo kumain ng pandesal.. pero kapag pinakain kana.. hihingi ka pa ng palaman at inumin, juice pa nga kung pwede). Sasali sila sa mga grupo ng Domonstrador (madalas natin makita sa TV na may pulang watawat at kung anu-ano ang nakasulat). Rally doon Rally dito.. Sigaw dito.. sigaw doon.. sulong dito.. sulong doon.. Pero isa ito sa mabisang paraan upang maipahayag ang mga saloobin ng isang  ordinaryong Pilipino. Hindi ba..? Kaya bumalik ang Demokrasya sa bansa dahil narin sa rally noong EDSA I? Ibig kong sabihin.. isang PAYAPANG RALLY.. Ganyan NOON.. Ipinagmamalaki sakin ng nanay ko na nasa Edsa sila noong mga panahong yun.. ang katabi mo.. parang kamaganak mo na dahil sa isang layunin na tila nagdurugsong sa kanilang pagkatao.. ang pagiging makabayan at maibalik ang Demokrasya sa bawat isang Pilipino.. 

NGAYON...

Kapag ang mga nagrarally.. hinarang ng mga Pulis.. Batuhan ang kasunod.. sigurado! May iba't ibang klase na nga ng rally ngayon.. may Planking Rally. dadapa na hindi iniinda ang init o dumi ng daan na parang pedestrian lane.. wapakels kung tae na ang dinadapaan.. basta sila.. dadapa.. tapos! Meron naman.. Festival Rally.. yan ung mga nagrarally na kala mong street dancing, may dala dalang malalaking Mukha ng pulitiko na gawa sa dyaryo.. tapos sa bandang huli.. susunugin nila sa harap ng kamera (dagdag polusyon pa).. Isa pa.. ang Hotel Rally.. yan ung mga nagrarally na sarap na sarap sa paghiga sa simento tapos.. may hawak hawak na plakards na kala mong kumot.. feeling nila nakacheck in sila sa hotel.. at kadalasan yan sa mga embassy ginagawa.. tama nga naman.. masabing nasa ibang bansa sila.. nakapagrally kana, nasa abroad ka pa. hehe.. 

OK na sana.. KUNG.. Hindi tayo nakakasagabal sa ibang tao.. sa mga papasok sa eskwela, sa trabaho at sa daloy ng trapiko.. Ang Demokrasya naman ng isang ordinaryong Pilipino kapag nasobrahan... GULO ang abot.. wala silang pake sa mga ilang mga Pilipino.. kase ang kadalasan sinasabi nila.. "Para sa atin 'to" pero ang totoo para lamang sa kanila.. Ang huli ngang balita.. yung pagbato ng ilan sa mga ralihista ng Pintura sa convoy ni US Sec. Hillary Clinton. Nakakahiya dahil ang mga Pilipino, kilala bilang hospitable people sa mundo. Hindi pa natapos dun.. nagsisigaw pa sa forum na inihanda para kay Sec.Clinton. Mga guys, wag na sana natin ipakita sa iba na kulang tayo sa GMRC.. Kahit naman sinong tao siguro.. kung pupunta sa ibang lugar at ganon ang isasalubong.. nakakahiya di ba? Kung gusto nyo mag file kayo ng kaso sa korte.. 

Sa ating mga Pilipino.. Ayos na ayos lang na praktisin natin ang pagiging Demokratiko pero.. we had our limits... 'Wag na tayong sumama sa mga mangmang na tao sa mundo.. Kung gusto n'yo naman ng gyera.. doon kayo sa Pakistan.. kahit mamato kayo ng mamato dun.. wag niu nalang dalhin dito sa Pilipinas ang pagiging barumbado niu.. nakasisira kase kayo sa essence ng "DEMOKRASYA". Karapatan na nga natin 'to pero sumusobra naman.. Hihintayin pa ba natin na maulit ulit ang Mendiola Massacre? Marami ng Rally ang napagtagumpayan ng walang batuhan at sakitan. Alam naman nating lahat yan. Sana sa susunod doon tayo lumugar.

Pero sa aking palagay ang DEMOKRASYA???? Paglalabas ng sama ng loob sa gobyerno, sa mga namamalakad at sa sistema. Paghahayag ng damdamin sa publiko sa 'ting nararamdaman. Pagsasalita ng katotohan sa pamamagitan ng ating nakikita at Kalayaan ng isang Pilipino na marinig ng bawat isa ng may pagkakapantay pantay NGUNIT sa ilalim nito, SA PAYAPANG pamamaraan, walang sakitang pisikal, pagsagabal sa pamumuhay ng kapwa, pag yapak sa katauhan ng isang Pilipino at pag sira ng pangalan ng Bansa. 

E sayo? Ano ang Demokrasya? Karapatan mo yan.


-end

Friday, November 11, 2011

11 - 11 - 11



11-11-11

Anong meron sa araw na 'to?? haha! Umaga pa lang sapaw na ang mga walls sa FB at mga twits sa Twiiter. Para ngang New Year kase ung iba, talagang sinalubong para lang sila ang unang mag post na: "11-11-11" at syempre.. marami ring blogger na tulad ko ang gagawa ng article tungkol sa today's date.

Sa 'ting mga Pilipino, masyadong maraming paniniwala.. Sabi ng ilan.. swerte raw ang date ngayon kase hindi na mauulit 'to at next 100 years ulit ang 11-11-11 (Nov.11,2111). wish ko lang buhay ka pa! haha! Pero nangyayari na 'to noong una pang panahon.. Meron ring nagsasabi na this date is an extremely extra expectacular wonderful date dahil it will marked every individuals life to start over from the mistakes of the past.. (labo nga e) parang new years resolution lang.. hahah! Halos naman ang karamihan ang sinasabi na this day is full of blessings. At ang iba naman ang sinasabi.. ito ang araw ng pagsusugal.. kaya for sure.. maraming tao sa mga casino at mga lotto outlets.. e pano naman sa mga matatalo?? ibig sabihin ba? Malas sa kanila ang 11-11-11..?
Hay naku! mga Pilipino nga naman.. pero kung tutuusin.. kakaiba talaga ang araw ngayon.. hindi tulad ng mga nagdaang mga redundant dates kase ang 11-11-11 ay masyadong broadcast,, siguro dahil nasa modernong panahon na talaga tayo...

Kaya sa mga Pilipinong naghihintay ng swerte, susubukan ang swerte, hahanapin ang swerte at susundan kung nasaan ang swerte.. GOODLUCK sa inyo sana nga ay maging swerte tayo ngayon.

Pero one more thing about today's date.. 11-11-11 is just only an ordinary date.. tulad ng  ibang mga araw.. nagkataon lang na.. magkakatulad ang common numbers ng month day at year.. But all in all.. This is a day na tulad rin kahapon, noong isang araw at noong last past years na dapat nating ipagpasalamat sa Diyos. Isa na sigurong napakalaking blessing ang bigyan pa tayo ulit ng panibagong araw to continue our life.

Tapos na po BOW!