Pages

Sunday, October 30, 2011

Hays! KuL!

4th...

Sabi nila.. Sa Elementary.. "Pinaka makulit pero pinaka mahalagang parte ng buhay ng tao"

Mahalaga! Kasi.. dito tayo natuto ng mga basics sa buhay...dito nagsimula kung paano ang magsulat? magbasa? magkalkula? tumula? makisalamuha sa kapwa bata? matutunan ang mga talents natin? bumuo ng mumunting pangarap?
Makulit! Kasi.. bilang bata.. natural lang na magkulit tayo.. makipaglaro sa initan.. uuwi ng marumi ang mga polo.. puro talsik ng ketchup ang palda.. kalabitin ang likod ng kaklase.. bumilot ng papel at ibato sa kabilang row..magtasa at patulisin ang lapis.. At gumawa ng love letter para sa crush na ang tupi ay ILOVEU..

Sabi nila.. Sa College... "Pinaka mahirap pero pinakamasaya sa buhay ng isang tao"

Mahirap! Kasi.. kanya kanya na ang buhay.. malupit na professor.. ubos buhay na mga quizzes, exams at thesis.. puro gastos... pahirapan sa sked.. mahabang pila kada Prelim, Midterm at  Finals... AT.. humingi ng promisory note...
Masaya! Kasi.. malapit ka na makatapos, puro gimik.. malaya.. pumasok ka o hindi? hu keyrs! hindi na malaking bag ang dala-dala.. at ramdam na ramdam na ang pagkabinata at pagkadalaga..

Pero ang Highschool... "Pinaka makabuluhan na parte ng buhay ng tao"

Makabuluhan! Kasi.. sa highschool.. Halos lahat ng kakulitan, kasayahan, kalungkutan, at kung anu-ano pang emosyon mararamdaman mo..


Sa highschool.. nabubuo ang isang uri ng samahan ng magkaklase na kahit dumating ang katandaan ay hinding hindi malilimutan. Kung baga, ito ang climax ng buhay pag-aaral ng isang estudyante..


Sa unang taon pa lamang.. ramdam mo na kung saan ang punta ng iyong buhay at mga pangarap.


Dito, maeexplore mo ang buhay na nasimulan mo nung nasa elementarya ka pa lamang. Ang matuto manligaw at magpaligaw.. Ang sabihin sa magulang na wag ka ng sunduin at kaya mo na umuwi mag-isa.. Humingi ng allowance. Ang maging responsable sa mukha, sa amoy at sa katawan.. Mag gala sa mall kasama ng mga kaklase tuwing maaga ang uwian.. Sumali sa paluwagan na wala namang nagbabayad.. Ang gumawa ng mga bagay-bagay upang maging sikat lamang sa skul.. Ang awayin ang mga lower years, ang talunin sa sayawan ang mga higher years at kung anu-ano pa! Mas higit mong mauunawaan ang mga bagay bagay dahil na rin sa antas ng edad. Edad na nasa kalagitnaan ng pagkabata at pagkamatanda..

Dito rin, mararamdaman mo ang isang pangalawang pamilya sa pamamagitan ng iyong mga nakakasama sa silid aralan na hindi lamang basta 'kaklase' kundi.. tunay narin na 'KAIBIGAN'.


At pag dating ng pagtatapos... Sa Sekondaryang Paaralan lamang bubuhos ang tunay na luha ng kasayahan at kalungkutan. Ang Highschool nga talaga! HAYS! pero KUL!...End!


Para sa lahat ng mga highschool at naghighschool at gusto ng maging highschool... Isang tribute para senyo.. Cenxa na kung yan lang hah? Sige.. til next time!

Tuesday, October 18, 2011

BABALA: Sensitibo ito!

I'm back for my 3rd issue..

This time the issue is a bit 'SENSITIVE'..

This past few weeks... puro patayan ang nangyayari, ang nababalita, ang napapanood sa tv, naririnig sa radyo at nababasa sa mga dyaryo.. Ilan sa mga  yan ay yung pinatay sa mall ng sariling asawa, pinatay na professor ng isang state college sa Manila, meron ding pinatay na isang dalaga from one of the top universities na nakabased in Laguna at yung latest... a priest killed in Mindanao.

"SENSITIVE" dahil buhay ang pinaguusapan.. 
"SENSITIVE" dahil puro patayan..

at

"SENSITIVE" dahik sa "Death Penalty"

Yup! Tama! Death Penalty.. 

"Bakit naman ibabalik pa yang death penalty na yan?" -  ang sabi naman ng mga Pilipino na tutol sa batas na yan.


Tuwing paguusapan ang bagay na ito, unang una sa natutol ay ang Simbahan. Bakit????


Kilala ang Pilipinas bilang isa sa pinaka matatag na Katolikong bansa sa Asya. Almost 85% dito ay katoliko. Isa na sa mga sandalan ng mga Pilipino ay ang simbahan. Dahil sa Pilipinas, ang mga Pari ang sumasabuhay, nagpapahayag at nagpapalaganap ng mga turo, buhay at kabaitan ng Diyos. Unang una sa mga nakakaalam ng tungkol sa usaping moral, buhay at pagpapatawad. Kung kaya, hindi natin masisisi ang simbahan kung bakit sila natutol sa ganitong usapin at batas. Kahit na ang ilan, ang iniisip ay masyado ng makaluma ang kanilang estilo sa pamamalakad ng simbahan kahit na nasa makabagong henerasyon na tayo, pero sa totoo lang, dala dala pa rin ng simbahan ang turo ng Diyos mula pa noong una hanggang ngayon na hindi na mababago kahit lumipas ang maraming panahon. Ang madalas ngang sinasabi ng simbahan sa usaping 'death penalty':  "Ang Diyos nga marunong magpatawad, Tao pa kaya na likha lang Niya?"

Sa kabilang banda naman, ay ang mga taong nawalan ng kanilang mga mahal sa buhay dahil sa krimen na daig pa sa hayop ang ginawa, na hindi na iginalang ang buhay ng isang indibidwal. Ang mga tao na gustong panagutin ang mga may sala sa mga karahasan na ang bunga ay mawala ang isang buhay. Sakanila naman dala dala ang mga kasabihang: "Mata sa Mata, Ngipin sa Ngipin" at "Buhay ang inutang, Buhay rin dapat ang kapalit". 

Hindi naman rin natin sila masisisi dahil dala na rin ng kanilang galit at pangungulila sa kanilang mahal sa buhay kung kaya mas gugustuhin pa nilang ibalik ang Death Penalty sa bansa upang kahit papano ay mabawasan ang sakit na dinadala nila sa kanilang mga dibib. Ang makita na pagbayaran ng isang kriminal ang kanilang kasalanan sa pamamagitan ng pagpatay, ay nakakapagtanggal ng tinik sa mga puso ng mga nawalan. 

Ngunit.............

Kailangan ba talagang ibalik ang Death Penalty??



Si Leo Echegaray, isa sa mga kilala na nahatulan ng parusang kamatayan noong 1999 matapos ibalik ang Death Penalty sa bansa mula ng isuspinde ang batas na ito noong 1987. Anong nangyari matapos noon? may nabago ba sa buhay ng mga Pilipino? Malamang, may mga kriminal na natakot ng bahagya. Ngunit ng ibaba muli ang death penalty sa reclusion perpetua o pagkakulong habang buhay noong year 2000 hanggang ngayon, marami nanaman ang krimen na nagaganap sa iba't ibang panig ng bansa. Mga walang takot na gumawa ng masama dahil ang batas natin ay bulag. Hindi naipapataw at nahuhusgahan ng tama. Basta may pera ka, kawawa ang mga Pilipino na salat sa kabuhayan. Ika nga ng iba kung mayaman sa pera ang makakalaban mo: "Parang bumangga ka sa pader"



Kung naging maganda lang ang pamamalakad sa ating bansa, naging balanse ang timbangan ng katarungan at naging mulat ang mga mata ng batas sa katotohanan. Malamang siguro, hindi na kelangan pang magbuwis pa ng ibang buhay para lamang makamit ang katarungan, pagkakapantay pantay lang naman ang kailangan.

Well done, tapos na ko for this topic.. Nasa inyo naman ang reaction bout this issue. Pero lagi nating iisipin, Pinakamahalang kayaman sa mundo ay ang 'buhay' ng isang tao. 'Til next issue. Thanks for reading!



REF.

http://www.seasite.niu.edu/crossroads/russell/christianity.htm 
http://gmanews.tv/htmfiles/death-penalty/Death-Penalty-in-the-Philippines.html
http://google.com/image
http://yahoo.com/image




Saturday, October 8, 2011

Hah? Ako????

Ahem! Pangalawa na toh!

Ammm.. This time.. tungkol muna sa author ng blog na 'to ang topic. (ako yun! hahaha!)

Sa totoo lang.. Hindi ko naman talaga hilig ang magsulat ng kung ano-ano, hindi ako Mass-Com graduate at wala ring mass-com units, hindi rin Writer, lalong hindi rin ako mamamahayag.

Ako..? Isang ordinaryong tao, sa isang ordinaryong bansa na may isang ordinaryong pamumuhay na may mga ordinaryong pangarap.

Pangalan ko po ay Kebin, Lalake(tuwid), Pinanganak ako sa Quezon City, Manila noong 1989.. haha. (secret ang date for security protection), and obviously 22 years old na ko.. Graduate ako ng BS Information Technology sa San Pedro College of Business Administration, San Pedro Laguna. Sa Santa Rosa City naman po ako ngayon nakatira with my family. Nagtatrabaho rin po ako, sa isang company sa Makati City. Isa rin akong dancer at choreographer at rumaraket sa mga pagtuturo ng sayaw. Ano pa ba? ummmmm...

Simula ng mag 18 ako.. dun lang ako namulat sa pamumuhay ng mga Pilipino.. kase dati, puro pang sarili lang ang nakikita ko, sa pamilya, sa mga kaibigan. Pero mula noon, ang dami ko ng tanong na gustong malaman, nahilig ako sa mga balita tungkol sa bansa, sa pulitika, sa mga kaganapan sa iba't lugar, sa mga krimen at sa mga artista!(pero di ako fanatic huh)

Dito kase sa Pilipinas, may 3 uri lang ng pamumuhay: Mahirap, May kaya sa buhay, at Mayayaman (MMM).

Dahil dyan sa uri ng pamumuhay na yan, naging curious ako sa mga tao, sa mga Pilipino. Gusto ko malaman, paano ba malalaman kung mahirap ka?? kung wala kang makain? walang pera? walang matinong tirahan? walang gaanong damit? walang trabaho? Pero sa harap ng mga katanungan na yan, Mahirap na ba kung "OO" ang sagot? Mayaman ka rin ba kung kung marami kang pera? maraming mansion? maraming pagkain, damit, kotse at kung anu ano pa?? Malamang kung sa literal na usapan tama lahat ng tanong ko. Pero sa bagay! ganon nga siguro.

What if? wala ka ngang pera, damit at matinong tirahan... PERO... masaya ka naman sa buhay mo????? mahirap pa bang maituturing yun?? Kung marami kang pera, mansion, damit at pagkain... PERO... marami kang naaapakang tao at malungkot ka???? Mayaman ka pa rin bang maituturing??

Dahil nga dyan sa uri ng pamumuhay na yan, kaya nag ugat ang pagiging "CURIOUS" ko sa PILIPINO at sa PILIPINAS, sa pamumuhay at pamamalakad ng bansa, kaya naisipan kong gumawa ng blog.

Ganyang uri ako ng tao, kaya sa mga susunod kong blog post.. For sure.. tungkol sa Pilipino at Pilipinas...! Pipilitin kong maging balanse sa lahat ng issue na ipopost ko para wala akong maapakang tao.. At kung may mga comments kayo or suggestion about sakin.. You can post it here or.. send me an email... pangalankoaykebin@gmail.com.. for sure na ako ang sasagot dyan.. hahah!!

Salamat ulit sa pagbasa..

At sa mga nag tatanong kung 'akala ba nila na ang blog na to ay tungkol sa mga Pilipino at Pilipinas pero bakit ako napasama?' - HELLLOOO! Pilipino rin po ako... haha! yun lang.. Tenkyu!