Pages

Friday, September 30, 2011

Pilipino vs Pilipinas

1st issue.. kung baga.. Launching ang tawag! haha! This blog is all about "Filipinos" as in.. Pilipino. Maitim, kayumanggi, maputi dahil sa gluta, mga payat, matataba, dating matataba o dati ring mapapayat, mayaman, mahirap, pulitiko, artista o pangkaraniwang tao.. basta 'PILIPINO' yun ang laman ng Blog na 'to.

Ang Pilipino 'daw' sabi ng mga banyaga kapag nandito, "Filipinos are very kind" , "They are very hospitable" etc.. etc.. ETC.... hanggang sabihin rin nila dahil sa sobrang paghanga sa 'ting mga Pilipino:

"Maohal kow kayeow!" O di ba? nagtatagalog pa sila.

 Nakakatuwang isipin na ang Pilipino ay tanyag at hinahangaan ng iba sa buong mundo, ang sarap tuloy isipin na   "buti na lang pinanganak ako sa Pilipinas". Kase naman, isa sa pinamana sa 'tin ng ating mga ninuno ang pagiging palakaibigan sa lahat ng uri ng tao, maging kano man yan, hapon, intsik, espanyol at yung usong uso ngayon?? koreano! pati nga mga hayop, kinakaibigan rin natin tulad ng aso, pusa, ibon, kalabaw, baka, pati nga isda at kung anu ano pa. Napapansin n'yo ba? puro positive traits ang naiisip natin 'pag narinig natin ang salitang "Pilipino"

"Mababait"
"Matatalino"
"Magaganda"
"Magaling sa sports lalo na sa boxing"
"Sikat sa buong mundo"
"Masisipag"
"Madidiskarte"
etc... etc... etc...

Pero may isang problema.. Kapag sinasabi naman ang salitang "PILIPINAS".. Ano madalas ang naiisip natin?

"Naku! wala ng pag-asa kase puro corruption"
"Naku! may bombahan na naman pala sa Mindanao"
"Puro welga na naman!"
"Ang tagal ko ng graduate wala pa rin akong trabaho"
"Nagmahal nanaman ang gasolina"
"Hay! Traffic na naman!"
"May nagpakamatay sa mall"
etc... etc... etc...

Negative??

Nakalulungkot isipin na sa dami nating "positive traits" na mga Pilipino, puro negative traits naman ang para sa bansa natin. Bakit nga ba sa magagandang asal na natutunan natin mula nang tayo ay bata hanggang sa paglaki ay hindi na natin nadadala????  Malamang, dahil sa kahirapan, kaya ang iba nakagagawa ng masama upang makakain lang sa araw araw. Pwede rin na dahil sa kanilang ipinaglalaban kung kaya't maraming welga ang sumasalubong sa ating bansa. Maaari rin namang dahil sa pamamalakad ng ilan sa mga kawani ng Gobyerno na taliwas sa kagustuhan ng mga mamamayan. Pero sino nga ba ang dapat masunod? ang mga ordinaryong Pilipino na bumoto sa mga pulitiko upang maging maayos ang kanilang pamumuhay?? o ang mga Pilipino na nasa pulitika na ating ibinoto at pinagkatiwalaan upang magdala sa atin sa maayos na pamumuhay??

Marami pa rin namang  mga mabubuting Pilipino, at naniniwala ako dun. Ngunit marami rin ang masasama, aminin man natin o hindi. Tuwing iniisip ko ang tungkol sa ganitong kalagayan, sumasagi talaga madalas sa isip ko. "Saan ba nagsimula ng lahat??? Sa Gobyerno ba na nagpapatakbo sa ating bansa?? o sa mga ordinaryong Pilipino na gusto lang ng masarap sa buhay??

Salamat sa pagbasa.. Hanggang sa uulitin..